[...] Translators just didn't get recognition, they didn't expect to make much of a living, just get by. Very few people were actually trained as translators, but most had a solid college education and a solid knowledge of languages, at least their own language. I had a friend who fell exactly into that category and my circle of friends expanded to include other translators. I found them to be much more interesting as people, and discovered that we often had similar life experiences. I never had trouble making friends, but I always felt "different" and I'm sure they felt it too. When my friend retired, she recommended me as her replacement. I now entered the realm of Reinsurance, of which I knew nothing. I was also the only translator there, and didn't have much to fall back on. However, it was another notch up....
On my new job, I started looking through the files, asking questions and got the company to enroll me in Insurance courses. The College of Insurance was across the street, and I consulted fire codes, insurance policies and fire extinguisher catalogs in their library. I was learning what I had never had the luxury of being able to do before: research. The first time I had to translate a proposal for purposes of insurance of a nuclear plant, I got a call from the head man in that department, congratulating me on the job I had done. "Compares favorably with what we are used to," he said. What an upper! What happened was that I consulted a document in the files similar to the one I was tackling for guidance, but when I saw that my predecessor had used the word "nucleus" instead of "core", I realized that the files were useless to me. I went across the street to the library and looked up "nuclear plants." I immediately found all the terminology I needed.
It takes a great deal more than that to be a good translator these days, of course. [...] | [...] Hindi masyadong binibigyang pansin ang mga translator, hindi sila umaasa na magkaroon ng malaking kita, basta sapat lang sa pang araw-araw. Napakakaunti lang ng nagsanay bilang lehitimong translator, karamihan sa kanila ay nakapagtapos ng kolehiyo at may matibay na kaalaman sa mga wika, kahit man lamang sa sariling nilang wika. May kaibigan akong iyon ang kategoryang pinasok na siya namang ikinalawak sa pagsama-sama pa ng ibang translators. Mas interesado akong makilala sila bilang mga tao, dahil marami kaming pagkakaparehong karanasan sa buhay. Hindi ako nagkaroon ng problema sa pakikipagkaibigan, ngunit palaging ramdaman ko na "iba" ako at sigurado akong ganoon din ang nararamdaman nila. Nang magretiro ang kaibigan ko, inirerekomenda niya ako bilang kapalit. Ngayon nasa larangan na rin ako ng Reinsurance, na wala akong kaalam-alam. Nag-iisa lang din akong translator doon, kaya wala akong masyadong masandalan. Kahit pa man, ito ang nagsilbi kong hakbang pataas... Sa mga bago kong trabaho, nagsimula akong maghanap sa mga dokumento, magtanong at nagpakuha sa kompanya ng mga kurso sa Insurance. Ang College of Insurance ay nasa kabilang kanto, at inalam ko ang mga fire codes, polisiya ng insurance at katalogo ng fire extinguisher sa kanilang silid-aklatan. Nabigyan ako ng pagkakataon na magawa ang mga bagay na dati ay hindi ko magawa: pananaliksik. Nang unang beses akong magtranslate ng proposal para sa mga layunin ng nuclear plant insurance, nakatanggap ako ng tawag mula sa head man ng departamento, at bumati sa aking magandang gawa. "Mahusay kumpara sa mga karaniwang gawa," sabi niya. Napakagandang balita! Nagawa ko ito dahil tumingin ako sa isang dokumento na katulad noon na ginagamit ko bilang gabay, ngunit nang makita ko nagamit na ang salitang "nucleus" ay pinalitan ko ito ng "core" sa halip, napagtanto ko na walang silbi ang mga dokumento. Tumawid ako sa kabilang kanto papunta sa silid-aklatan at hinanap ang mga "nuclear plant." Agad ko namang nakita ang lahat ng terminolohiyang kailangan ko. Maraming pang mga pagsasanay ang kailangang pagdaanan upang maging isang magaling na translator, natural. [...] |