Who cast that first fateful tomato that started the La Tomatina revolution? The reality is no one knows. Maybe it was an anti-Franco rebellion, or a carnival that got out of hand. According to the most popular version of the story, during the 1945 festival of Los Gigantes (a giant paper mâché puppet parade), locals were looking to stage a brawl to get some attention. They happened upon a vegetable cart nearby and started hurling ripe tomatoes. Innocent onlookers got involved until the scene escalated into a massive melee of flying fruit. The instigators had to repay the tomato vendors, but that didn't stop the recurrence of more tomato fights—and the birth of a new tradition.
Fearful of an unruly escalation, authorities enacted, relaxed, and then reinstated a series of bans in the 1950s. In 1951, locals who defied the law were imprisoned until public outcry called for their release. The most famous effrontery to the tomato bans happened in 1957 when proponents held a mock tomato funeral complete with a coffin and procession. After 1957, the local government decided to roll with the punches, set a few rules in place, and embraced the wacky tradition.
Though the tomatoes take center stage, a week of festivities lead up to the final showdown. It's a celebration of Buñol's patron saints, the Virgin Mary and St. Louis Bertrand, with street parades, music, and fireworks in joyous Spanish fashion. To build up your strength for the impending brawl, an epic paella is served on the eve of the battle, showcasing an iconic Valencian dish of rice, seafood, saffron, and olive oil.
Today, this unfettered festival has some measure of order. Organizers have gone so far as to cultivate a special variety of unpalatable tomatoes just for the annual event. Festivities kick off around 10 a.m. when participants race to grab a ham fixed atop a greasy pole. Onlookers hose the scramblers with water while singing and dancing in the streets. When the church bell strikes noon, trucks packed with tomatoes roll into town, while chants of "To-ma-te, to-ma-te!" reach a crescendo.
Then, with the firing of a water cannon, the main event begins. That's the green light for crushing and launching tomatoes in all-out attacks against fellow participants. Long distance tomato lobbers, point-blank assassins, and medium range hook shots. Whatever your technique, by the time it's over, you will look (and feel) quite different. Nearly an hour later, tomato-soaked bombers are left to play in a sea of squishy street salsa with little left resembling a tomato to be found. A second cannon shot signals the end of the battle. | Sino nga ba ang unang bumato ng kamatis na naging simula ng rebolusyong La Tomatina? Sa katunayan, walang nakaaalam nito. Marahil ito ay isang rebelyong laban sa mga Franco, o hindi kaya ay isang karnibal lamang na nawalan ng kontrol. Batay sa pinakapopular na bersyon ng kwento, noong taong 1945 sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Los Ginastes (isang parada ng mga higanteng mga papet na gawa sa papel) ang ilang mga residente ng lugar ay nais na magsagawa ng gulo upang makakuha ng atensyon mula sa mga tao. Nagkataong sila ay malapit sa isang kariton ng mga gulay at sila ay nagsimulang magbatuhan ng mga kamatis. Nadamay pati ang mga taong walang kinalaman sa away at ang mga ito ay sumali na rin sa pagbato ng mga gulay. Binayaran naman ng mga pasimuno ang nagtitinda ng kamatis subalit hindi rito nagtapos ang pagbabatuhan ng mga kamatis – sa halip ito ang naging siimula ng isang bagong tradisyon. Dahil sa pangamba na lalo pang lumaki ang gulo, nagsimulang ipagbawal ng awtoridad ang mga ganitong kaganapan noong 1950. Noong 1951, ang ilang mga residente na lumabag sa batas na ito ay ikinulong at nakalaya lamang dahil sa protesta ng mga taong bayan. Ang pinakabantog na protesta sa pagbabawal sa pagbabatuhan ng kamatis ay naganap noong 1957 na kung saan ang mga taong kasali rito ay nagdaaos pa ng kunwaring lamay para sa kamatis na mayroon pang kabaong at prosesyon. Matapos ang taong 1957, napagpasyahan ng lokal na pamahalaan na sumunod na lamang sa agos at suportahan ang naturang tradisyon at bumuo ng ilang mga batas at alituntunin para rito. Ito ay pagdiriwang para sa mga patron ng Buños, ang Birhing Maria at Santong Louis Bertrand, na kinatatampukan ng masayang parada, musika, at fireworks. Upang palakasin ang mga kahalok sa batuhan ng kamatis, hinahainan ang mga ito ng paelya sa gabi bago ang batuhan, ang paelya ay isang pagkaing Velencian na mayroong kanin, lamang dagat, Saffron, at langis ng oliba. Sa kasalukyan, ang malayang pagdiriwang na ito ay mayroon nang ganap na kaayusan. Sa katunayan, iba’t-ibang uri ng kamatis pa nga ang ginagamit para lamang sa pagdirwang na ito. Ang pagdiriwang ay nagsisimula sa ganap na ika-sampo ng umaga sa pamamagitan ng palo sebo na ang kukunin sa ituktok ng madulas na poste ay hamonado. Nagsasaboy naman ng tubig ang mga manonood habang umaawit at nagsasayaw sa kalsada. Kapag kumalembang na ang kampana ng simbahan sa ganap na alas dose ng tanghali, nagsisimula nang magsidatingan sa daan ang mga trak na punung-puno ng mga kamatis habang sumisigaw ang mga tao ng “To-mate, to-ma-te!” At sa pamamagitan ng pagpapaputok ng kanyon ng tubig ang pagbabatuhan ng kamatis ay magsisimula na. Ito ang senyales na maari mo nang batuhin ng kamatis ang mga kapwa mo kalahok hanggang sa iyong makakaya. May iba’t-ibang uri ng kagamitang maaring magamit para rito, may lobber na pangmalayuan, mayroon namang point blank assassin, at mayroon ding pangmalapitang hook shot. Anuman ang iyong diskarte, sa oras na matapos ang pagdiriwang, makakaramdam ka ng kakaibang kaligayahan. Matapos ang halos isang oras, ang mga kalahok ay nagtatampisaw sa kalsadang punung-puno ng katas ng kamatis. Ang ikalawang pagputok ng kanyon naman ang nagsisilbing senyales na tapos na ang batuhan. |