Who cast that first fateful tomato that started the La Tomatina revolution? The reality is no one knows. Maybe it was an anti-Franco rebellion, or a carnival that got out of hand. According to the most popular version of the story, during the 1945 festival of Los Gigantes (a giant paper mâché puppet parade), locals were looking to stage a brawl to get some attention. They happened upon a vegetable cart nearby and started hurling ripe tomatoes. Innocent onlookers got involved until the scene escalated into a massive melee of flying fruit. The instigators had to repay the tomato vendors, but that didn't stop the recurrence of more tomato fights—and the birth of a new tradition.
Fearful of an unruly escalation, authorities enacted, relaxed, and then reinstated a series of bans in the 1950s. In 1951, locals who defied the law were imprisoned until public outcry called for their release. The most famous effrontery to the tomato bans happened in 1957 when proponents held a mock tomato funeral complete with a coffin and procession. After 1957, the local government decided to roll with the punches, set a few rules in place, and embraced the wacky tradition.
Though the tomatoes take center stage, a week of festivities lead up to the final showdown. It's a celebration of Buñol's patron saints, the Virgin Mary and St. Louis Bertrand, with street parades, music, and fireworks in joyous Spanish fashion. To build up your strength for the impending brawl, an epic paella is served on the eve of the battle, showcasing an iconic Valencian dish of rice, seafood, saffron, and olive oil.
Today, this unfettered festival has some measure of order. Organizers have gone so far as to cultivate a special variety of unpalatable tomatoes just for the annual event. Festivities kick off around 10 a.m. when participants race to grab a ham fixed atop a greasy pole. Onlookers hose the scramblers with water while singing and dancing in the streets. When the church bell strikes noon, trucks packed with tomatoes roll into town, while chants of "To-ma-te, to-ma-te!" reach a crescendo.
Then, with the firing of a water cannon, the main event begins. That's the green light for crushing and launching tomatoes in all-out attacks against fellow participants. Long distance tomato lobbers, point-blank assassins, and medium range hook shots. Whatever your technique, by the time it's over, you will look (and feel) quite different. Nearly an hour later, tomato-soaked bombers are left to play in a sea of squishy street salsa with little left resembling a tomato to be found. A second cannon shot signals the end of the battle. | Sino ang pumukol sa pinakaunang mapalad na kamatis na nag-umpisa ng himagsikang La Tomatina? Ang katotohanan ay walang nakakaalam. Malamang na ito ay isang rebelyong laban kay Franco, o isang karnabal na hindi narendahan. Ayon sa pinakapopular na bersiyon ng kuwento, noong piyesta ng 1945 na Los Gigantes (isang parada ng higanteng papet na gawa sa paper mâché), ang mga lokal ay naghahanap ng basag-ulo para makakuha ng atensiyon. Nakita nila ang isang kariton ng mga gulay sa paligid at sinimulan ang pagbato ng mga hinog na kamatis. Ang mga inosenteng miron ay nakisali hanggang sa gumulo ang tagpo sa isang malaking karambola ng lumilipad na prutas. Ang mga pasimuno ay kinailangang magbayad sa mga nagtitinda ng kamatis, ngunit hindi nito napigilan ang muling pagsasagawa ng mga marami pang mga laban ng mga kamatis - at ang kapanganakan ng isang bagong tradisyon. Natatakot sa isang di-mapigil na kaguluhan, nagpasa, linuwagan, at saka ibinalik ang isang serye ng mga pagbabawal noong mga taon ng dekada singkuwenta. Noong 1951, ang mga lokal na sumalungat sa batas ay ipinakulong hanggang sa isang publikong palahaw ang tumawag sa kanilang paglaya. Ang pinakapamosong pambabastos sa pagbabawal sa kamatis ay nangyari noong 1957 noong ang mga pasimuno ay nagsagawa ng isang kunwaring libing ng kamatis na kinumpleto ng isang kabaong at prosesyon. Pagkatapos ng 1957, ang lokal na pamahalaan ay nagdesisyon na tanggapin ito, magpanukala ng ilang tuntunin, at niyakap ang nakakatuwang tradisyon. Bagaman ang mga kamatis ang pinagtutuunan nang pansin, isang linggo ng kasiyahan ang nagtutuloy hanggang sa pinal na kaganapan. Isa itong selebrasyon ng mga santong patron ng Buñol, ang Mahal na Birhen at ni San Luis Beltran, na may mga parada sa kalye, musika, at kuwitis sa maligayang pamamaraang Espanyol. Para mapahusay ang lakas sa napipintong basag-ulo, isang epikong paelya ang inihain sa bisperas ng laban, ipinapakita ang isang ikonikong handang Valencia na kanin, pagkaing-dagat, sapron, at langis ng oliba. Sa ngayon, ang di-natatanikalaang piyesta ay mayroong kaayusan. Ang mga organisador ay umabot sa punto na nagtatanim sila ng isang espesyal na uri ng isang walang kalasa-lasang mga kamatis para lamang sa taunang kaganapan. Nagsisimula ang mga kasiyahan bandang 10 n.u. kapag ang mga kalahok ay nagpapaligsahan sa pag-agaw ng hamón sa tuktok ng isang malangis na poste. Ang mga miron ay nagdidilig ng mga scrambler na may tubig habang kumakanta at nagsasayaw sa mga kanto. Kapag ang kampana ng simbahan ay sumapit na sa tanghali, ang mga trak na punongpuno ng mga kamatis ay pumapasada sa bayan, habang ang mga awit ng “Kamatis, kamatis!” ay umaabot sa rurok nito. Saka, sa pagbomba ng kanyon ng tubig, ang pangunahing kaganapan ay nagsisimula na. Iyan ang senyales nang pagdurog at paglunsad ng mga kamatis para sa mga atakeng bigay-todo laban sa mga kasamang kalahok. Mga malayuang tagabato ng kamatis, mga malapitang asesino, at mga katamtaman sa layong mga hook shot. Anuman ang iyong pamamaraan, sa pagtatapos nito, magmumukha kang (at mararamdaman ang) bahagyang kakaiba. Halos isang oras pagkatapos, ang mga naligo sa kamatis na mga tagabomba ay hinahayaang maglaro sa isang dagat ng nanlalagkit na salsa sa kalye na kaunti na lamang ang naiwan na mukhang kamatis ang mahahanap. Ang pangalawang alingawngaw ng kanyon ang naghuhudyat ng pagtatapos ng laban. |