Who cast that first fateful tomato that started the La Tomatina revolution? The reality is no one knows. Maybe it was an anti-Franco rebellion, or a carnival that got out of hand. According to the most popular version of the story, during the 1945 festival of Los Gigantes (a giant paper mâché puppet parade), locals were looking to stage a brawl to get some attention. They happened upon a vegetable cart nearby and started hurling ripe tomatoes. Innocent onlookers got involved until the scene escalated into a massive melee of flying fruit. The instigators had to repay the tomato vendors, but that didn't stop the recurrence of more tomato fights—and the birth of a new tradition.
Fearful of an unruly escalation, authorities enacted, relaxed, and then reinstated a series of bans in the 1950s. In 1951, locals who defied the law were imprisoned until public outcry called for their release. The most famous effrontery to the tomato bans happened in 1957 when proponents held a mock tomato funeral complete with a coffin and procession. After 1957, the local government decided to roll with the punches, set a few rules in place, and embraced the wacky tradition.
Though the tomatoes take center stage, a week of festivities lead up to the final showdown. It's a celebration of Buñol's patron saints, the Virgin Mary and St. Louis Bertrand, with street parades, music, and fireworks in joyous Spanish fashion. To build up your strength for the impending brawl, an epic paella is served on the eve of the battle, showcasing an iconic Valencian dish of rice, seafood, saffron, and olive oil.
Today, this unfettered festival has some measure of order. Organizers have gone so far as to cultivate a special variety of unpalatable tomatoes just for the annual event. Festivities kick off around 10 a.m. when participants race to grab a ham fixed atop a greasy pole. Onlookers hose the scramblers with water while singing and dancing in the streets. When the church bell strikes noon, trucks packed with tomatoes roll into town, while chants of "To-ma-te, to-ma-te!" reach a crescendo.
Then, with the firing of a water cannon, the main event begins. That's the green light for crushing and launching tomatoes in all-out attacks against fellow participants. Long distance tomato lobbers, point-blank assassins, and medium range hook shots. Whatever your technique, by the time it's over, you will look (and feel) quite different. Nearly an hour later, tomato-soaked bombers are left to play in a sea of squishy street salsa with little left resembling a tomato to be found. A second cannon shot signals the end of the battle. | Sino kaya ang naghagis noong pangunahing kamatis na napalarang matuloy sa Pag-aalsa ng Tomatina? Sa katotohanan, walang nakakaalam. Maaari itong nagmula bilang paghihimagsik laban kay Franco, o bilang karnabal na pinagkaguluhan. Ayon sa pinakalaganap na pagsasalaysay, sa pista ng mga higante (parada ng malalaking maryonetang yari sa kartong papel) na dinaos noong 1945, may mga taong-bayang naghahanap ng away upang makakuha ng pansin. Natuklasan nila ang isang karetong puno ng gulay na nasa paligid at nagsimula silang maghagis ng mga hinog na kamatis. Nadali ang mga walang-malay na nagsusubaybay, hanggang sa wakas ay lumala sa isang labu-labo ng nagliliparang prutas. Ang mga salarin ay napilitang magbayad sa mga nagtitinda ng kamatis, subalit hindi nito napigil ang pag-ulit ng iba pang bakbakan sa kamatis. Sa ganito ay ipinanganak ang isang bagong tradisyon. Dala ng pag-aalinlangan sa magugulong pangyayari, isinabatas ng mga maykapangyarihan ang pagbabawal nito noong dekadang namagitan sa 1950 at 1960, linuwagan, at pagkatapos muling hinigpitan. Noong 1951, ang mga taong-bayang lumabag sa batas ay ikinulong hanggang hiniling ng madla ang kanilang pagpapalaya. Ang pinakabantog na pagtutol sa pagbabawal ng kamatis ay naganap noong 1957, kung saan ang mga nagdiriwang ay pakutyang nagtanghal ng paglibing ng kamatis, kasama na ang kabaong at ang prusisyon. Matapos ang 1957, ang pamahalaang pampook ay nagpasyang umalalay na lamang; nagtakda ng ilang patakaran at tinanggap ang tradisyong nakakahibang. Kahit na ang kamatis ay bida, pinapangunahan ito ng isang linggo ng pagdiriwang. Pinaparangalan nito ang mga patron ng Buñol, ang Birheng Maria at si San Luis Bertran, kasama na ang mga parada sa lansangan, musika at paputok, ayon sa masasayang kaugalian sa Espanya. Bilang pagpasigla sa darating na bakbakan, naghahain ng napakalaking paella sa bispera ng labanan, na itinatanghal ang platong pinakatanyag ng Balensiya, na naglalaman ng kanin kasama ng pagkaing-dagat, asapran at langis ng oliba. Sa ngayon, may matuturing na pamamahalang imiiral sa di-masupil na pagdiriwang na ito. Ang mga nangangasiwa ay umaabot hanggang sa pagtanim ng uri ng kamatis na hindi masarap kainin upang magamit lamang sa bakbakan. Nagsisimula ang pagdiriwang sa alas-10 ng umaga, kung kailan ang mga lumalahok ay nag-uunahang makuha ang isang hamon na nakatali sa ibabaw ng palong madulas. Binabasa sila ng tubig ng mga tagasubaybay habang ang mga ito ay kumakanta at sumasayaw sa paligid. Sa katanghaliang pagtugtog ng kampana ng simbahan, pumapasok sa bayan ang mga trak na naglalaman ng kamatis habang palakas nang palakas ang mga sigaw na "to-ma-te, to-ma-te!" Sa ganito, kasabay ng pagbomba ng kanyon ng tubig, nagsisimula ang namumunong pangyayari. Ito ang tanda upang pisilin at ihagis ang mga kamatis laban sa lahat ng mga kapwang lumalahok, maging malayuang patamaan, tahasang tudlaan, o matitira nang pakawit sa katamtamang layo. Anumang paraan ang gamitin mo, pagkatapos ng pangyayari, magbabago nang lubos ang iyong anyo (at pakiramdam). At matapos ang halos isang oras, ang mga tagahagis ng mga bombang nakababad sa kamatis ay binabayaang maglalaro sa madulas na karagatan ng sarsang nakakalat sa lansangan, na wala nang makikilalang kamatis sa paligiran. Sa pangalawang putok ng kanyon, nagtatapos ang labanan. |